Thursday, May 11, 2017

Iwas inis during traffic tips


1. Make sure magbaon ng sandamakmak na pasensya bago lumayas. Hindi po egg cookies ha?
2. Dalhin ang entertainment sa sasakyan!

a. Magbasa. Yung mahaba, yung maaction, yung malilimutan mo ang oras. Mga fifty shades, charot!, siguro naman bago mo matapos ang trilogy nakarating ka na sa paroroonan.

b. Mag movie marathon or mag mobile games. Mag-ingat nga lang sa inyong friendly magnanakaw.

c. Magsoundtrip tapos magdaydream, pag sawa ka na, magconcert, mambulahaw ng katabi, damay-damay na ‘to! Pag nagalit, another form of entertainment na naman yun. Chos!

d. Mag crossword puzzle o di kaya mag sudoku, ang saya lungs, nakaraos ka sa trapik, nahasa pa braincells mo.

e. Maglaro ng baraha, ayain ang mga kasama sa sasakyan na mag Lucky 9 or di kaya unggoy-unggoyan. Di ba sanay ka naman na dyan? Charot!

f. Magbilang ng sasakyan, billboard, poste o di kaya pedestrian. Syet, naaliw ka na, na-exercise pa ang math skills mo.

g. Magbasa ng mga  signs.

3. More more baon! Masarap maglafang habang naghihintay! Dalhin ang convenient store sa bag!

4. Bubble wraps! Oo masaya yun! Dun mo ibuhos ang inis mo while tinitiris tiris isa-isa, isipin mo yung mabaho mong katabi, chismosa mong kapitbahay, balasubas mong boss at babaero mong ex!!

5. Kung emotera ka, enjoy the moment te! Lalo na kung umuulan ifeel mo ang bawat patak!

6. At kung ikaw ay antuking palaka, dalhin mo ang kama sa sasakyan! Magbaon ng kumot at ng unan! Magbilin sa kundoktor na gisingin ka sa bababaan!

7. Magcram. Magreview/gumawa ng report. Dalhin ang opisina sa daan.

8. Magluto. Kung tag-init, magpainit ng itlog/tinapay sa sasakyan. Instant picnic! Kung walang sariling sasakyan, ibilad sa bubong ng jeep, bus, pedicab or kahit sa kariton.


9. Pag wala pa din, dalhin ang gawaing bahay sa kalsada. Maglaba, magsampay at mamalantsa.



10. At kung negosyante ka, iconvert ang oras sa cash! Dalhin ang negosyo sa bus! Magbenta ng bra, panty at anek-anek kesa tumunganga ka!

11. Kung relihiyosa at relihiyoso ka, isaulo lahat ng verses sa bibiliya, magprayer meeting at ipray over mo ang lahat! Kung sapakin ka ipanalangin mo nalang nanpatawarin sila. 
   
12. Kung napagod ka na sa mga activities na yun. Magrelax. Magfoot spa o di kaya magpa facial tapos gawin ang #6 Matulog!!.



Disclaimer : Ang mga larawan na nakakabit ay di po pag-aari ng blog na ito.
  

No comments:

Post a Comment