Thursday, May 25, 2017

Decision making 1.0

1. I-assess ang klase ng desisyon na kailangang gawin, ito ba ay 
    (a) gusto mo 
    (b) kailangan mo o 
    (c) idinidikta ng paligid mo (yung tipong minu-minutong ibinabato sayo ng   magulang/kaibigan/kaopisina/tito/tita/mga chismosa sa paligid mo)

2. Kapag alam mo na, ilista ang Pros and Cons ng magiging desisyon mo. Iconsider ang gastos, effort at outcome! Yes ang outcome! Tandaan nasa huli ang pagsisisi

3. Timbangin ang mga nakalistang ideya. Hindi to madalian bes! Parang iniisip mo lang kung makikipagbreak ka na o kakapit ka pa, ganern! Sleepless nights at pakikipagpatintero sa utak kalaban ang konsensya mo (kung meron ka). 

4. Kausapin magdamag ang pader, kisame, halaman, o sarili sa harap ng salamin kung tama ba ang napili mo o gagawin mo. Wag lang sobra baka kung san ka mapunta. 

5. Kung medyo mabait ka, pwede ka ring magdasal, maglakad ng nakaluhod papuntang altar, magnovena lahat lahat na! 

6. Kung sociable ka, pwede ka ring humingi mg opinyon sa mga frienship mo, pero magtanong ka dun sa may tamang wisyo para maayos ang sagot na makukuha mo. 

7. Wag ka magtatanong sa magulang o kamag-anak mo kasi ang sagot na makukuha mo ay yung desisyon na ayaw mo! Oo sarili mo ang pinaguusapan dito

No comments:

Post a Comment