2. Transparency! Hindi lang applicable sa gobyerno to para iwas pandurugas, pati sa relasyon kelangan to. Bakit? Kung may mga itinatago ka at hindi ka willing buksan ang buhay mo sakanya eh sira ulo ka wag ka umasa na sasaya ka!
3. Honesty is the key! Charaught! Syempre, kelangan honest ka sa lahat ng bagay, kung hindi ano yan? Gaguhan lang bes? Wag ka magpapaalam na magsisimba ka kung magsiswimming ka lang pala kasama ang barkada! Ikaw rin kakagamit mo kay Papa God baka makarma ka! Hahaha!
4. Sincerity. Kapatid to ni Honesty. Kung hindi ka sincere o seryoso sa mga bibitawang salita mo sa partner mo eh much better magpolitiko ka na lang. Bagay ka dun, mga sinungaling!
5. Faithful! Juicecolored! Rare na to, almost extinct na. Pero kung ikaw ay nasa No. 1 and 4, pasok ka na bes! Pwede na yan! (swerte ko meron na ko nito!!hahahaha!di na ako bitter mga besh!)
6. Time! Mandatory to mga bes! Kung walang oras hindi rin kayo mag-eexist. Ano ba naman yung mga pasimpleng Segway kung sobrang busy ka, or set a date na para lang sainyong dalawa. Hindi naman kayo mga tambay para ibigay ang buong araw para sa isa’t isa at wala ng gawin sa buhay kundi mag-usap at maglampungan! Kailangan rin kayo ng ekonomiya pero wag kalimutan ang oras para sa bawat isa
7. Effort! Syempre kasama to para sa kilig factor! Hindi mo naman kailangan bumili ng isang billboard para sabihing nag-effort ka, simpleng tawag at text, kapag may budget sine at dinner, love notes, genern! Ayan ha, tips na yan!
8. Love, syempre. Wag puro utak, importante pa rin ang may puso ka! Masarap sa feeling na mahal mo ang partner mo at hindi dahil kailangan mo lang sya hindi totoong saging lang ang may puso mga bes! Andyan yan, parang utak minsan akala mo wala pero meron! Meron! Meron ka! Kaya gamitin mo paminsan minsan.
9. Wag kang nega (gaya ko!) hahahaha! Hindi pa man lang eh break up na iniisip mo, move on agad? Hindi pa nga kayo naghihiwalay, wag kang excited sa ending. Focus sa road to happiness besh!
11. At tandaan, wag agad magplano ng kasal, magbilang ng anak with matching names pa! Puro na nga kayo plano ng mga barkada mo pati ba naman sa lovelife mo plano pa rin, sige mauwi yan sa drawing! Enjoy mo kung anong meron kayo ngayon, pwede magplano ng future basta make sure kaya nyong simulang gawin, wag puro drawing, iwas disappointment bes!
12. Friendship

PS So ayun mga besh, feel free to add kung may nakalimutan ako. Well, actually self-reminder ko to eh. Hahahahah! Para di inaaway parati ang MiLoves ko.
No comments:
Post a Comment