Wednesday, July 5, 2017

How to make it work? (Relationship Goals to mga besh!)

 1. Desidido ka ba? Ready ka ba mag-commit? If YES, please continue reading and if NO wag ka na mag-aksaya ng oras magbasa o pumasok sa kahit anong desisyon sa buhay!

2. Transparency! Hindi lang applicable sa gobyerno to para iwas pandurugas, pati sa relasyon kelangan to. Bakit? Kung may mga itinatago ka at hindi ka willing buksan ang buhay mo sakanya eh sira ulo ka wag ka umasa na sasaya ka! 

3. Honesty is the key! Charaught! Syempre, kelangan honest ka sa lahat ng bagay, kung hindi ano yan? Gaguhan lang bes? Wag ka magpapaalam na magsisimba ka kung magsiswimming ka lang pala kasama ang barkada! Ikaw rin kakagamit mo kay Papa God baka makarma ka! Hahaha! 

4. Sincerity. Kapatid to ni Honesty. Kung hindi ka sincere o seryoso sa mga bibitawang salita mo sa partner mo eh much better magpolitiko ka na lang. Bagay ka dun, mga sinungaling! 

5. Faithful! Juicecolored! Rare na to, almost extinct na. Pero kung ikaw ay nasa No. 1 and 4, pasok ka na bes! Pwede na yan! (swerte ko meron na ko nito!!hahahaha!di na ako bitter mga besh!) 

6. Time! Mandatory to mga bes! Kung walang oras hindi rin kayo mag-eexist. Ano ba naman yung mga pasimpleng Segway kung sobrang busy ka, or set a date na para lang sainyong dalawa. Hindi naman kayo mga tambay para ibigay ang buong araw para sa isa’t isa at wala ng gawin sa buhay kundi mag-usap at maglampungan! Kailangan rin kayo ng ekonomiya pero wag kalimutan ang oras para sa bawat isa  

7. Effort! Syempre kasama to para sa kilig factor! Hindi mo naman kailangan bumili ng isang billboard para sabihing nag-effort ka, simpleng tawag at text, kapag may budget sine at dinner, love notes, genern! Ayan ha, tips na yan! 

8. Love, syempre. Wag puro utak, importante pa rin ang may puso ka! Masarap sa feeling na mahal mo ang partner mo at hindi dahil kailangan mo lang sya  hindi totoong saging lang ang may puso mga bes! Andyan yan, parang utak minsan akala mo wala pero meron! Meron! Meron ka! Kaya gamitin mo paminsan minsan. 

9. Wag kang nega (gaya ko!) hahahaha! Hindi pa man lang eh break up na iniisip mo, move on agad? Hindi pa nga kayo naghihiwalay, wag kang excited sa ending. Focus sa road to happiness besh!

10. Trust! Hahahaha. Tiwala to bes! Wag kang ano! Matuto kang magtiwala sa kung anong meron kayo at sa taong pinili mo. Tandaan mo, bago ka pumasok sa ganyang sitwasyon nangako ka sa sarili mo na tatanggapin mo kahit ano. Kaya magtiis ka at magtiwala! Kapit lang besh!

11. At tandaan, wag agad magplano ng kasal, magbilang ng anak with matching names pa! Puro na nga kayo plano ng mga barkada mo pati ba naman sa lovelife mo plano pa rin, sige mauwi yan sa drawing! Enjoy mo kung anong meron kayo ngayon, pwede magplano ng future basta make sure kaya nyong simulang gawin, wag puro drawing, iwas disappointment bes!

12. Friendship . Ang pinaka (I think) importante sa lahat. Masarap sa feeling na ang partner mo eh kaibigan mo rin, partners in crime, ganern. Masaya yung may common interest din kayo like food!!! Hahahah! Iba ang feeling na parang magbff kayo with so much love! Aayyiiee!

PS So ayun mga besh, feel free to add kung may nakalimutan ako. Well, actually self-reminder ko to eh. Hahahahah! Para di inaaway parati ang MiLoves ko.

Thursday, May 25, 2017

Decision making 1.0

1. I-assess ang klase ng desisyon na kailangang gawin, ito ba ay 
    (a) gusto mo 
    (b) kailangan mo o 
    (c) idinidikta ng paligid mo (yung tipong minu-minutong ibinabato sayo ng   magulang/kaibigan/kaopisina/tito/tita/mga chismosa sa paligid mo)

2. Kapag alam mo na, ilista ang Pros and Cons ng magiging desisyon mo. Iconsider ang gastos, effort at outcome! Yes ang outcome! Tandaan nasa huli ang pagsisisi

3. Timbangin ang mga nakalistang ideya. Hindi to madalian bes! Parang iniisip mo lang kung makikipagbreak ka na o kakapit ka pa, ganern! Sleepless nights at pakikipagpatintero sa utak kalaban ang konsensya mo (kung meron ka). 

4. Kausapin magdamag ang pader, kisame, halaman, o sarili sa harap ng salamin kung tama ba ang napili mo o gagawin mo. Wag lang sobra baka kung san ka mapunta. 

5. Kung medyo mabait ka, pwede ka ring magdasal, maglakad ng nakaluhod papuntang altar, magnovena lahat lahat na! 

6. Kung sociable ka, pwede ka ring humingi mg opinyon sa mga frienship mo, pero magtanong ka dun sa may tamang wisyo para maayos ang sagot na makukuha mo. 

7. Wag ka magtatanong sa magulang o kamag-anak mo kasi ang sagot na makukuha mo ay yung desisyon na ayaw mo! Oo sarili mo ang pinaguusapan dito

Saturday, May 13, 2017

Paano makaluwag sa buhay?

1. Sundin ang payo ni Nanay at Tatay, mag-aral ng mabuti ng sa gayun, makakuha ng mataas na marka at makakuha ng magandang trabaho.

2. Ginawa mo yun, (sigurado ako!) ngunit walang nangyari (mas sigurado ako dun!). Sundi ang payo ni tito, magbakasakali sa sabong, sa jueteng at siyempre sa lotto! Andun na yung linyang, "Malay mo, makatsamba diba?"

3. Sundin si tita, mag-asawa ng power ranger, yung MMMM! Well, dapat ito ang number 1, kasi ito talaga ang official ticket sa kaunlaran!

4. Waley, sablay sa #3? Sumali sa networking, or gumawa ng sariling networking chenes. Magbenta ng sabon, kape at kung anech anech pa. Di ba? Power!!!

5. Mang holdup? Why not? Kung adventure-seeker ka naman di ba?

6. Magbenta ng drugs.  Negative dito bessy, mainit 'to ngayon, mahirap na baka matagpuan ka nalang sa bangketa, nakatali, di na humihinga.

7. Gumawa ng sariling mafia. Naks! Taray, mayaman ka na, astig ka pa!

8. Kung medyo mabait ka, magtayo ng sariling kulto/relihiyon. Laway lang puhunan tsaka kaunting kaalaman. Bonggabelya na ang lola!

9. Kumuha ng katungkulan sa gobyerno. Pwedeng magkagawad, magkapitan, mayor! The higher the position, the higher the kickback! Eng seye!!!

10. Kung wala pa  rin, magbenta ng laman, atay, bato, balun-balunan at apdo!

11. Kung di kaya ng powers ang 1-10, pumunta sa pinakamalapit na computer shop, magregister online at hanapin ang dollar sign.

Thursday, May 11, 2017

Iwas inis during traffic tips


1. Make sure magbaon ng sandamakmak na pasensya bago lumayas. Hindi po egg cookies ha?
2. Dalhin ang entertainment sa sasakyan!

a. Magbasa. Yung mahaba, yung maaction, yung malilimutan mo ang oras. Mga fifty shades, charot!, siguro naman bago mo matapos ang trilogy nakarating ka na sa paroroonan.

b. Mag movie marathon or mag mobile games. Mag-ingat nga lang sa inyong friendly magnanakaw.

c. Magsoundtrip tapos magdaydream, pag sawa ka na, magconcert, mambulahaw ng katabi, damay-damay na ‘to! Pag nagalit, another form of entertainment na naman yun. Chos!

d. Mag crossword puzzle o di kaya mag sudoku, ang saya lungs, nakaraos ka sa trapik, nahasa pa braincells mo.

e. Maglaro ng baraha, ayain ang mga kasama sa sasakyan na mag Lucky 9 or di kaya unggoy-unggoyan. Di ba sanay ka naman na dyan? Charot!

f. Magbilang ng sasakyan, billboard, poste o di kaya pedestrian. Syet, naaliw ka na, na-exercise pa ang math skills mo.

g. Magbasa ng mga  signs.

3. More more baon! Masarap maglafang habang naghihintay! Dalhin ang convenient store sa bag!

4. Bubble wraps! Oo masaya yun! Dun mo ibuhos ang inis mo while tinitiris tiris isa-isa, isipin mo yung mabaho mong katabi, chismosa mong kapitbahay, balasubas mong boss at babaero mong ex!!

5. Kung emotera ka, enjoy the moment te! Lalo na kung umuulan ifeel mo ang bawat patak!

6. At kung ikaw ay antuking palaka, dalhin mo ang kama sa sasakyan! Magbaon ng kumot at ng unan! Magbilin sa kundoktor na gisingin ka sa bababaan!

7. Magcram. Magreview/gumawa ng report. Dalhin ang opisina sa daan.

8. Magluto. Kung tag-init, magpainit ng itlog/tinapay sa sasakyan. Instant picnic! Kung walang sariling sasakyan, ibilad sa bubong ng jeep, bus, pedicab or kahit sa kariton.


9. Pag wala pa din, dalhin ang gawaing bahay sa kalsada. Maglaba, magsampay at mamalantsa.



10. At kung negosyante ka, iconvert ang oras sa cash! Dalhin ang negosyo sa bus! Magbenta ng bra, panty at anek-anek kesa tumunganga ka!

11. Kung relihiyosa at relihiyoso ka, isaulo lahat ng verses sa bibiliya, magprayer meeting at ipray over mo ang lahat! Kung sapakin ka ipanalangin mo nalang nanpatawarin sila. 
   
12. Kung napagod ka na sa mga activities na yun. Magrelax. Magfoot spa o di kaya magpa facial tapos gawin ang #6 Matulog!!.



Disclaimer : Ang mga larawan na nakakabit ay di po pag-aari ng blog na ito.
  

Wednesday, May 10, 2017

How to make landi?

How to get a boyfriend?, Paano magkaboyfriend?
Sa mundong instant na ang lahat, marami pa din ang naghahangad ng lovelife ngunit di mabiya-biyayaan. Girl, pati yun instant na din! Kung di makuha sa santong dasalan, daanin sa santong landian!


Tips:

1. Di masyadong puhunan ang kagandahan, Tibay ng loob lang, Tibay Tanduay! Maniwala ka sa shamrock, tibay at lakas ng loob lang ang kailangan at syempre kapal ng mukha! (Sobrang plugging na) Tiwala lang bes! Yun lang ang puhunan.




2. Tumulad sa higad”, yan ang dapat motto mo. Make it happen! Make it Makati! Well, dapat nanunuot sa balat, sa laman, sa buto, sa kaluluwa nya ang kati mo.




3. Magkaroon ng sense of fashion! Wag kang mukhang hanger at sinaunang nilalang kung ang goal mo is lumandi! The shorter the better. Mga tipong micro mini skirt at super short shorts. Ilabas mo na lahat ng nakatago, the more kaluluwang nakalabas, the more chances of winning ateng! Kung wala ka namang boobs marami ng wonder bra sa divisoria mamili ka! Magsuot ng mga fit! Kung mukhang tangke, gumamit ng shape maker!

4. Para mas makulay ang buhay, Countour and highlight bes! Oo, makeup! Lahat nadadaan na sa kolorete. Lahat ng maputla kulayan, lahat ng baku-bako, tapalan! Don’t worry sa gastos, hindi mo naman kelangan pumunta ng parlor, youtube at personal make up keri na! Ooops. Pero teka, wag kalimutan! Make sure waterproof mga bes para sa aksyon, may proteksyon!

5. 1. Matuto ng The moves. Hindi lang sa presentation yan at mind setting. Kelangan ng performance. Pero kelangan iconsider ang level ng paglalandi.

         Level 1: Landing biruan. 
         Yung tipong magpapansin ka lang sa crush mo. (Tamang pa-cute lang)
         Magmukha kang mataray na mascot sa crush mo. Oo yung tipong julalay ka na                                    pulutan ka pa ng barkada nya!

        Level 2: Landi ng pangnanasa. 
        Ito ang uso ngayon! Dito pumapasok ang mga higad ng lipunan.
        How to? Free escort service, charity at pussy served on a silver platter ang peg mo!                               Oo ikaw to, matikman mo lang ang pantasya mo!

        Level 3: Landing may feelings
        Oo yung desperada ka ng makuha ang mahal mo.
        Ultimate level ng landi! Bayani lang ang tupa, Kalevel mo dito si Rizal, GomBurZa at
        Gen. Luna! Oo martir! Bobo! Tanga! Pero in more social way ha! Para kang si spongebob
        taga absorb ng lahat makasama lang sya. Oo pagalalandi yun!

6. I-assess ang sarili. Anong level ba ang keri? Hanggang saan lang pupwede?

7. Take drama lesson! Kung walang budget manood ng mga telenovela. Marami kang makikitang example! Like Georgina! Namnamin mo ang character para damang dama!

8. Hindi rin nakakamatay ang mageffort ka at ipagluto mo paminsan minsan ang target mo, the best way to get the heart is through the stomach daw. Isipin mo rin kapag gusto mo gumanti ito rin yung best way O sige, kapag di marunong magluto, ibili mo sa kanto tapos ipagplantsa at ipaglaba mo!

9. The demure effect! Oo. Effective to! Magpabebe ka lang at pavirgin chenes. Kakagat si crush mo! Kung taong bar ang hanap mo, itaya mo ang health mo! Syempre lalaklak ka muna ng sangkaterbang alak at hihithit ng sandamakmak na yosi magmukhang pro ka lang. Bet nila yun mga wild and free!


Kung di naman nagmamadali, pwede naman maging subtle:


1. Wag masyadong obvious. Wag agad magpapampam. Kaibiganin muna ang mga nakapalibot sa kanya, friends ng friends nya, ang manikurista nya, ang suki nya sa TODA.

2. Paganahin ang intel. Maging mapanuri, maging mapagmatyag, maging Matanglawin!!! Chos! Alamin ang mga bet nya. Alamin ang mga bagay bagay tungkol sa kanya at higit sa lahat alamin ang schedule nya.

3. Maging stalker with dignity. Dahil alam mo na ang mga rampa nya. Make sure na lagi kang present sa mga ganung okasyon. Gamitin ang connection! Sumali sa networking. Charot!

4. May common friends na kayo, eh di dapat may common “thing” na din kayo. Mahilig magbar, maging lasinggera! Mahilig kumain, eh di maging kusinera! Mahilig magtennis si prospect, maging raketa! Mahilig sa music, maging handing kumanta o di man, maging nota! Charot!

5. Alamin ang weakness. Tirahin mo sa kahinanaan nya. Kahinaan ang laman, syet! Maging pota!